Walang lugar sa puso mo para sa isang katulad ko

Umuulan noon nang binaybay natin ang kahabaan ng España Tinitigan ang mga ilaw sa Quiapo at ibang bahagi ng Maynila Sa dami ng ating napag-usapan ay unti-unti akong nahulog sa malalim na pagkakahimbing Ulo ko’y nakasandal sa iyong balikat at mga kamay natin ay magkahawak nang ako’y nagising Marahil nga ay nananaginip pa ako nang…

Biyahe ng Pag-ibig

Pumara ako ng FX, iyong magara ang labas Akala ko kasi, ang aircon nito’y malakas Pagsakay ko sa loob ay nagsisi ako bigla Ito pala’y ubod ng rumi at amoy patay na daga Pumara ako ng dyip dahil ito na ang pinakamadali Sinabi ng mama: “lima pa!”, bilang naman ay mali Pilit kong isiniksik ang…

Hinubaran mo ako ngunit hindi inibig

Buong-buo mo ibinigay ang iyong sarili Walang muwang mong hinubad ang bawat saplot na bumabalot sa iyong buong katawan Sinabi mo sa akin: “I-taya mo ang lahat” “Tumingin sa bukas nang walang pag-aalinlangan” Iniabot mo ang iyong mga nangungusap na kamay Sinilaw mo ako sa kinang ng maaaring habambuhay Binihag mo ako ng mga salita…